^

Bansa

Peace talks isasabotahe

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Umalerto na kahapon ang tropa ng militar laban sa mga grupo na nais isabotahe ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ayon kay Army’s 6th Infantry Division (ID) Spokesman Col. Prudencio Asto, nagdeploy na ng mga tangke sa mga istratehikong lugar sa lalawigan ng Mindanao bilang preventive measures laban sa posibleng pag-atake ng grupo ng tumiwalag na lider ng MILF na si Commander Ameril Umbra Kato.

Una rito, idineklara ng MILF na breakaway group na nila si Kato matapos itong humiwalay bitbit ang umano’y 5,000 niyang miyembro at magtayo ng sariling grupo na Bangsa Islamic Freedom Movement (BIFM) na ang mandirigma ay tinawag naman nitong Bangsa Islamic Freedom Fighter (BIFF).

Si Kato, may patong sa ulong P10-M ang nasa likod ng pag-atake sa mga sibilyang Kristiyano sa pitong bayan ng North Cotabato noong Agosto 2008 matapos ibasura ng Korte Suprema at ideklarang labag sa Saligang Batas ang kontrobersyal na Memorandum of Agreement on Ancestral Domain o ang pagpapalawak ng teritoryo ng MILF.

Nagbanta si Kato na reresbak at maglulunsad ng jihad o holy war dahil sa pagtutol nito sa isinusulong na peace talks ng MILF at ng gobyerno ni Pangulong Aquino.

vuukle comment

ANCESTRAL DOMAIN

BANGSA ISLAMIC FREEDOM FIGHTER

BANGSA ISLAMIC FREEDOM MOVEMENT

COMMANDER AMERIL UMBRA KATO

INFANTRY DIVISION

KATO

KORTE SUPREMA

MEMORANDUM OF AGREEMENT

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NORTH COTABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with