P142.8 M Grand Lotto tinamaan ng taga-Luzon

MANILA, Philippines - Isa na namang masuwerteng Pinoy ang bagong multi-milyonaryo ngayon makaraang solong mapa­nalunan ang tumatagin­ting na P142 milyong ha­laga ng jackpot sa Grand Lotto 6/55 sa isinagawang bola kamakalawa ng gabi ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon sa PCSO, isang taga-Luzon ang naka­ kuha ng anim na nume­rong kumbinasyon na 09-01-06-40-16-35, para makopo ang kabuuang P142,859,048.40 jackpot prize.

Nasa 34 masuwert­eng mananaya naman ang nanalo ng konsolasyon na tig-P150,000 matapos makuha ang limang nu­merong kumbinasyon.

Muli namang mare-reset sa P30 milyon ang jackpot prize sa Grand Lotto sa darating na bola nito sa Sabado.

Noong nakaraang Nob­yembre ay napana­lunan ng taga-Olongapo ang pinakamala­king prem­yo sa kasaysayan ng Philippine lottery na nagkakahalaga ng P741,176,323.20.

Nito lamang naka­lipas na Hunyo, isang 60-anyos na barangay tanod ang nanalo sa 6/55 Grand Lotto na may jackpot prize na P356.5 million.

Show comments