5 golf course ng AFP kinuwestiyon
MANILA, Philippines - Kinuwestiyon kahapon ni Senator Franklin Drilon ang napakaliit na nakukuha ng gobyerno sa 5 golf courses ng militar na nasa loob ng Metro Manila.
Ayon kay Drilon kung susumahin ay aabot sa 150 ektarya ang limang golf courses na nasa Air Force, Navy, Army, General Headquartes at Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City.
Sinabi ni Drilon na ang kailangan ng militar ay modernisasyon at hindi mga golf courses.
Dininig kahapon sa Senado ang panukalang budget ng Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines.
Sa average na P30,000 per square meter, ang halaga ng 150 ektarya ng golf course ay aabot sa P45 bilyon.
Pero sinabi rin ni Drilon na hindi naman kailangan ipagbili ang mga golf courses kundi maaaring paupahan upang makalikom ng pondo para sa modernisasyon ng militar.
- Latest
- Trending