^

Bansa

P1.5B patubig ng DILG nasilip

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Malaking katanungan ngayon sa Kamara ang nasilip na P1.5 bilyong alokasyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) para sa potable water system ng bansa.

Sinabi ni AGHAM partylist Rep. Angelo Palmones, nabusisi niya ang 2012 budget ng DILG habang nakasalang ito sa House committee on appropriations subalit paano at bakit anya nagkaroon ng alokasyon na P1.5 bilyon ang DILG para sa water system gayung gampanin ito na naka-atang sa Manila Waterworks and Sewerage System (MWSS) para sa Kamaynilaan at karatig pook samantalang Local Water Utility Administration (LWUA) para sa mga lalawigan.

Sa pagbusisi pa ng mambabatas ay nakita nitong mahigit sa P100 milyon ay nakalaan para sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at meron din umano sa National Capital Region (NCR).

Naalarma si Palmones dahil solo umano itong ipatutupad ng DILG o lumilitaw na magiging lumpsum ang P1.5 bilyon at hindi ito ipapakalat sa mga alkalde o gobernador. 

Paliwanag ng kongresista, malaking halaga ang P1.5 bilyon dahil maraming classrooms ang maaaring maipatayo at marami din mga presinto ng pulisya ang kapos sa kagamitan kayat bakit ang patubig ang pinaglalaanan ng napakalaking halaga.

ANGELO PALMONES

AUTONOMOUS REGION

KAMARA

KAMAYNILAAN

LOCAL WATER UTILITY ADMINISTRATION

MALAKING

MANILA WATERWORKS AND SEWERAGE SYSTEM

MUSLIM MINDANAO

NATIONAL CAPITAL REGION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with