^

Bansa

Filipino o English?

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Galit na galit ang isang kongresista sa kapwa nito mambabatas dahil sa paggamit ng salitang Filipino habang nag-dedebate sa plenaryo kaugnay sa kontrobersyal na House bill 4244 o ang Reproductive Health (RH) bill.

Sa simula pa lang ng debate, nagkainitan na ang mga mambabatas na tutol at pabor sa naturang batas na sina Leyte Rep. Sergio Apostol at Akbayan party list Rep. Arlene Kaka-Bag-ao.’

Ipinipilit ni Apostol na English ang gamiting lengguwahe sa panahon ng interpelations dahil hindi umano ito nakakaintindi ng Tagalog dahil siya ay isang Waray.

Katwiran naman ni Bag-ao, dapat Filipino ang salitang gamitin upang maintindihan ng mas maraming Pinoy ang nilalaman at kung ano ang magiging pakinabang ng publiko sa RH bill na sinegundahan naman ni ACT party list Rep. Antonio Tinio sa pagsasabing ang sariling wika lalo na ngayon buwan ng Agosto ang pambansang wika.

Paliwanag naman ni House Deputy speaker at Zamboanga City Rep. Ma. Isabel Climaco na base sa House rules ang official language na maaring gamitin ay Filipino at English.

Giit naman ni Apostol, kailangan ang salitang English ang dapat gamitin at kung hindi ito maari ay hihingi siya ng interpreter o magsasalita na lamang siya ng Waray.

Dahil dito kayat nagdesisyon na lamang si Climaco na English ang gamitin.

vuukle comment

ANTONIO TINIO

APOSTOL

ARLENE KAKA-BAG

HOUSE DEPUTY

ISABEL CLIMACO

LEYTE REP

REPRODUCTIVE HEALTH

SERGIO APOSTOL

WARAY

ZAMBOANGA CITY REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with