Smugglers sa Customs pumoporma na
MANILA, Philippines - Nagtatalunan sa tuwa ang mga bigtime smuggler dahil uupo na daw ang kanilang ‘padrino;’ bilang kapalit ng sisibaking si Customs Commissioner Lito Alvarez.
Ayon sa impormante, ang sinasabing grupo ni Frank Wong ay bumabandera na sa pantalan para sabihin umano na ‘bata’ sila ni dating Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon na napapabalitang papalit kay Alvarez anumang oras mula ngayon.
Ang sinasabing grupo ni Frank Wong, George Tan, Engineer Rico at isang Kimberly Gamboa ang sindikato ng ‘patalon’ sa Aduana.
Ang patalon system, ay mahigpit na pinagbabawal sa tariff and customs code of the Philippines na malimit gawin at kinukunsinti ng mga bugok sa bureau kapalit ng malaking halaga ng salapi. Kalimitan ang ‘patalon’ ay misdeclared shipment.
Ang “patalon” ay ginagawa ng mga sindikato sa pamamagitan ng pagpapasok ng kargamento o ang pag-file ng import entry sa isang custom section na hindi nararapat sa division na iyon.
Ang grupo ni Frank Wong et al, ay ang mga name droppers sa pantalan na kalimitagn ginagamit ang pangalan ni Executive Secretary Jojo Ochoa, para takutin ang mga taga-bureau para makalibre o kung hindi naman ay kaunti lang ang bayarang buwis.
- Latest
- Trending