^

Bansa

Barkong Hamilton, iinspeksyunin ni PNoy

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines -  Iinspeksyunin nga­yong araw nina Pangulong Benigno Aquino III, Defense Secretary Voltaire Gazmin at mga matataas na opisyal ng Armed Forces of the Phi­lippines (AFP) ang H­amilton cutter – class vessel na nabili ng Pilipinas sa Estados Unidos.

Ayon kay Philippine Navy Spokesman Marine Lt. Col. Omar Tonsay, ang  Hamilton cutter – class vessel na ngayon ay BRP Gregorio del Pilar (PF) 15 ay nakadaong sa Pier 13, South Harbor sa lungsod ng Maynila.

Sinabi ni Tonsay na magsasagawa ng tour sa BRP Gregorio del Pilar si PNoy, Gazmin, AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Oban, mga opisyal ng Philippine Navy sa pangunguna ni Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Alexander Pama.

Ang nasabing barko ay  pumasok sa teritoryo ng karagatang nasasakupan ng 200 Exclusive Economic Zone (EEZ) noong Agosto 17 at dumaong sa Manila Bay kamakalawa matapos ang halos isang buwang paglalayag mula sa Estados Unidos.

Nitong Agosto 21 ay pinangunahan ni  Pama ang blessing at welcome ceremonies sa BRP Gregorio del Pilar na naglayag patungong Pilipinas sa pamumuno ni Captain Alberto Cruz, kasama ang 13 officers at 82 enlisted personnel.

Ang nasabing barko na dating pag-aari ng US Coast Guard ay nabili sa halagang P450 M mula sa  P 8 bilyong Malampaya fund.

ARMED FORCES OF THE PHI

CAPTAIN ALBERTO CRUZ

CHIEF OF STAFF GEN

COAST GUARD

COMMAND VICE ADMIRAL ALEXANDER PAMA

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

EDUARDO OBAN

ESTADOS UNIDOS

EXCLUSIVE ECONOMIC ZONE

GREGORIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with