^

Bansa

Gov't officials na isasalang sa Mayuga report hindi pipigilan

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Hindi pipigilan ng Malacañang ang sinumang opisyal ng gobyerno na humarap sa imbestigasyon na posibleng gawin ng dalawang kapulungan ng Kongreso o ng Commission on Elections kaugnay sa Mayuga report.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, kahit kailan ay hindi naman nagpapalabas ng direktiba si Pangulong Aquino na pipigil sa pagharap ng mga opisyal ng gobyerno sa anumang uri ng im­bestigasyon.

“Nakita naman po natin yan in previous senate and congressional hearing ‘pag iniimbita po dumara­ting naman po ang ating mga public officials,” sabi ni Valte.

Depende na umano sa iniimbitahang opisyal kung dadalo ito sa pagdinig o hindi.

Tumanggi rin si Valte na magbigay ng komento kaugnay sa nilalaman ng Mayuga report. Matatandaan na matagal na itinago sa publiko ang resulta ng ginawang imbestigasyon ng isang panel ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines kaugnay sa naging partisipasyon umano ng militar sa dayaang nangyari noong 2004 presidential elections.

Idinagdag ni Valte na labas na rin sa kapangyarihan ng Malacañang kung ipatawag man sa imbestigasyon ang mga retiradong opisyal ng militar na kasama sa gumawa ng report.

ABIGAIL VALTE

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

IDINAGDAG

KONGRESO

MALACA

MATATANDAAN

MAYUGA

PANGULONG AQUINO

VALTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with