MANILA, Philippines - Hinihiling ng mga Indigenous Peoples (IP’s) mula sa ibat-ibang tribal group ang pagkakaisa ng lahat ng Pilipino para magkaroon ng pag-unlad sa bansa.
Sa 3-pahinang kalatas, sinabi ng mga tribal leader na sina Datu Amansur Utto, mula sa Maguindanaon Tribe sa Cotobato City; Datu Magsimbahan ng Manobo Tribe sa Agusan del Sur; Datu Higyawan ng Holag-ayam Tribe governor at Raja Mohammad Ghamar Mamay Hasa Abdurajak ng Royal Charter Company sa Sultan Sulu, ano mang relihiyon na kinabibilangan, muslim man, kristiyano at iba pang religious organization ay dapat magtulungan at suportahan ang isinusulong na kapayapaan ng pamahalaan.
Sinabi nila na magandang indikasyon at nagpapakita ng sinsero ang Pangulong Noynoy Aquino na maisulong ang peace process sa Mindanao makaraang makipagpulong ang Presidente kay MILF Chairman Al Haj Murad sa Tokyo, Japan kamakailan.
Ayon sa mga tribal leader, ang nasabing pulong ay nagbigay ng national attention at nagpapakita ng matibay na pundasyon ang gobyerno para sa isinusulong na peace process.