^

Bansa

Toll fee hike sa Okt. 1 haharangin sa Kamara

- Nila Butch Quejada/Gemma Garcia -

MANILA, Philippines - Isang panukalang batas ang inihalin ng kaalyado ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo para pigilan ang pagtaas ng toll fee na ipatutupad sa Oktubre 1.

Sinabi ni Bohol Rep. Arthur Yap, may akda ng House Bill 4971, layunin ng kanyang panukala na alisin ang mabigat na pasanin ng mga motorista sa pamamagitan ng hindi mahal na paggamit sa mga pampublikong imprastraktura kabilang na dito ang tollways.

Sabi ni Yap. layunin ng “EVAT Exemption on Toll Ways Act of 2011” na amyendahan ang Section 109 ng National Internal Revenue Code o Presidential Decree 1158, as amended by the Tax Reform Act of 1997 o ng VAT Reform Act.

Sabi niYap, nakakalungkot ang realidad na ang publiko ay hindi na kaya pang magbayad ng mas mataas na toll fees sa mga expressway lalo na kapag sinabayan ito ng pagtaas ng mga presyo ng pangunahing bilihin at pag taas ng produktong petrolyo, tubig at kuryente.

Ayon kay Yap, malaking epekto sa ekonomiya at pahirap sa mamamayan ang ipapataw na EVAT dahil tiyak ang pagtaas ng pamasahe at magbo-boomerang naman ito sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sabi ni Yap, talagang kailangan ng gobyerno ang pondo para masustinahan ang mga basic project nito sa mamamayan pero mas maganda siguro kung ipo-focus nila ang sistema sa pagsasaayos ng koleksyon sa buwis.   

ARTHUR YAP

BOHOL REP

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

HOUSE BILL

NATIONAL INTERNAL REVENUE CODE

PAMPANGA REP

PRESIDENTIAL DECREE

REFORM ACT

SABI

TAX REFORM ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with