Walang VIP treatment kay Iggy

MANILA, Philippines - Hindi bibigyan ng VIP treatment ng liderato ng Kamara­ si Negros Occidental Rep. Iggy Arroyo matapos akuin ang isyu tungkol sa bentahan ng 2nd hand choppers­ ng kanyang kapatid na si dating First Gentleman Mike Arroyo na isinabit sa multi-million PNP scam.

Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte, personal call na ito ni Iggy at kusa naman nitong inamin at inako ang kasalanan ng kapatid ng walang pumipilit.

Hinimok ni Belmonte si Iggy na humarap na lamang ito sa imbestigasyon sa Senado para kumbinsihin sila na tama ang kanyang pag-amin at mga pa­hayag tungkol sa mga pagbenta ng choppers sa Philippine National Police.

Sabi ni Belmonte, hindi na rin umano kailangan pang ipag-paalam sa kanya kung ipapatawag ng Senado si Iggy o kung haharap na ito ng kusa sa Senado dahil wala naman umanong problema ang Kongreso sa mambabatas kayat inilalabas lang nila ang institusyon sa personal nitong isyu.

Samantala, hindi naman kokontra si Belmonte na maipagamot sa labas ng bansa si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo kung kina­kailangan na umano itong dalhin sa abroad upang doon makakuha ng mas mahusay na medical treatment.

Show comments