^

Bansa

Basketball court ng Quirino hospital gagamitin na ring ward sa dengue victims

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Nililinis na at iniha­handa na ng pamunuan ng Quirino Memorial Medical Center ang basketball court na gagamitin na ring pansamantalang pedia ward ng ospital para pag­lagyan ng mga pasyente na patuloy na dumarami dahil sa sakit na dengue.

Ayon kay Ligaya Lora, assistant chief nurse ng QMMC, 249 na bata na ngayon ang nagsisiksikan sa pedia ward ng pagamutan at ang 104 dito ay pawang tinamaan ng dengue.

Ani Lora, covered court naman ang kanilang basketball court at nagamit na nila ito matapos ang pananalasa ng bagyong Ondoy noon.

Anya, may mga nakaantabay na rin silang folding bed na pansamantalang mahihigaan ng mga pasyente na karamihan ay mula sa Antipolo, Montalban at Marikina bukod sa mga taga QC.

Sinabi ni Lora na sa QMMC dinadala ang mga pasyente  mula sa Antipolo, Montalban at Marikina dahil walang pedia ward ngayon ang Amang Rodriguez Hospital sa Marikina dahil under construction ito sa kasalukuyan.

Aminado naman si Lora na bagamat dagsa na ang kanilang mga pasyante, wala silang karapatan na tanggihan at hindi tanggapin ang mga ito.

Pinipilit na lamang aniya ng kanilang hanay na mag-overtime at humugot ng mga doctor at nurse mula sa ibang departamento para matugunan ang karamdaman ng mga ito.

Kung saka-sakali aniyang lolobo pa rin ang bilang ng mga pasyante, maari silang kumuha ng mga contractual nurse gaya noong nangyari matapos ang pananalasa ng Ondoy sa bansa.

AMANG RODRIGUEZ HOSPITAL

AMINADO

ANI LORA

ANYA

AYON

LIGAYA LORA

MONTALBAN

ONDOY

QUIRINO MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with