MANILA, Philippines - Career muna bago relasyon ang mas iniisip ng sinuman kaya marami ang hindi nagpapakasal na mga magkasintahan ngayon.
Ito ang nakikitang dahilan ni Sociology Professor Clifford Sorita bilang reaksiyon sa huling survey ng National Statistics Office (NSO) na bumaba ang bilang ng mga nagpapakasal na mula sa 490,054 noong 2007, naging 486, 514 na lamang noong 2008 o 0.7 porsiyento na pagbaba.
Ayon kay Sorita, kabilang din sa dahilan ng mga magkarelasyon ngayon ay ang role modeling kung saan nakikita nila ito sa mga public figure gaya ng mga artista na papalit-palit ng mga kapareha.
Isa ring dahilan ng Sociology Prof kung bakit hindi kaagad nagpapakasal ang mga magkarelasyon ay ang ‘economic viability’.