Itinatayong motel muling inayawan ng simbahan
MANILA, Philippines - Muling binatikos ng Apostolic Catholic Church sa Edsa, Quezon City ang umano’y itinatayong motel sa tapat mismo ng kanilang simbahan sa Bgy.Veterans, QC dahil sa isyu ng moralidad.
Sinabi ni Prof. Arsenio Organo, adviser ng Apostolic Catholic Church, isang Orthodox at Roman Catholic Church, may mga ulat silang natatanggap na ang itinatayong gusali sa tapat mismo ng kanilang simbahan ay isang motel na paglabag umano sa Building Code of the Philippines. Paglabag din umano ito sa moralidad dahil dalawang eskuwelahan, Quezon City Academy at San Francisco High School, ang kalapit nito na mga kabataan umano ang pangunahing apektado.
Sinabi pa ni Prof. Organo na labis siyang nagtataka dahil napahinto na umano nitong nakalipas na dalawang buwan ang konstruksyon ng naturang motel subalit sa hindi malamang kadahilanan ay muling sinimulan ang konstruksyon nito.
- Latest
- Trending