MANILA, Philippines - Pinasisibak ni Zambales Rep. Mitos Magsaysay si Customs Commissioner Angelito Alvarez dahil sa patuloy na smuggling sa mga pantalan at hindi nito mapigilan.
‘It is my strong opinion that Alvarez, along with his men should be held accountable for the diversion of over 2,000 containers of goods from the Port of Manila, depriving the government of over P3 billion worth of taxes. He should also be removed from his post for failing to meet his collection targets,’ sabi ni Magsaysay.
Gayunman, inirekomenda ng sub-committee ng House Committee on Ways and Means ang paghahain ng kaso sa mga opisyal ng Bureau of Customs na may kinalaman sa pagkawala ng 1,910 container vans simula noong Enero.
Sabi ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Farinas, ang chairman ng sub-committee on tariffs and customs, dapat kasuhan ng theft, smuggling cases at kasong criminal ang mga nagsabwatan sa Customs.
‘I would rather have them remain working in the government facing criminal sanctions than being dismissed without any criminal liability. Without criminal charges, these people will continue to live happily ever after committing a crime,’ sabi ni Farinas.
Ayon kay Farinas, minaliit lamang ang naging aksyon sa pagbusising ginawa ni Customs Investigation Division chief Fernandino Tuason upang hindi na maulit ang insidente.
Sinabi ni Tuazon, maghahain sila ng kasong admnistratibo gaya ng grave misconduct para masibak sa tungkulin laban sa 14 Customs personnel na may kinalaman sa pagkawala ng P3.6 bilyong buwis.
Ayaw pangalanan ni Tuason ang mga kakasuhan at nangako na ipadadala na lamang ang investigation report hinggil sa mga nawawalang container van sa Kamara.
Samantala, pinalilinis ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga kay Alvarez ang listahan ng mga accredited consignees dahil marami umano sa mga iligal na kontrabando ang nakalagay sa mga fictitious name.