Presyo ng LPG, bottled water, noodles pwede nang kontrolin
MANILA, Philippines - Kontrolado na ang magiging halaga o presyo ng mga LPG, bottled water at noodles dahil inaprubahan na sa Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang Price Act.
Sa House bill 4801 aamyendahan ang listahan ng mga basic commodities na maaaring kontrolin ng gobyerno ang presyo.
Ang Price Act ay maaaring ipatupad ng gobyerno sa mga lugar na sasailalim sa state of calamity o state of emergency, kapag suspendidio ang privilege of the writ of habeas corpus, o kapag idineklara ang martial law, state of rebellion, o state of war.
Sa ilalim ng Republic Act 7581 (Price Act) maaaring maglagay ng ceiling price sa mga basic commodities.
Sinabi ni Pasig Rep. Roman Romulo, may akda ng HB 4801, mahalaga na masiguro na hindi tataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa panahon ng krisis at kalamidad.
- Latest
- Trending