2 'killer' ng adviser ng mayor kinasuhan
BATANGAS ,Philippines – Kinasuhan na ang dalawa sa apat na suspek sa pagpatay sa political adviser ng mayor matapos maaresto sa magkahiwalay na lugar sa Batangas at Quezon, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ni P/Senior Supt. Rosauro Acio, Batangas PNP director ang mga suspek na sina Primo Lopez at Sandy Pamplona.
Si Lopez na kabilang sa most wanted persons sa Region 4 ay nasakote ng pulisya sa Brgy. Poblacion sa bayan ng Padre Garcia sa Batangas noong Hulyo 29 sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Antonio Manzano ng Calamba Regional Trial Court Branch 37.
Samantala, si Pamplona ay naunang naaresto sa bayan ng Candelaria, Quezon at kasalukuyang nakakulong sa Calamba City.
Tugis naman ng pulisya ang dalawa pang suspek na sina Lorenzo Pamplona at Florencio Morales ay may patong sa ulo na tig-P90,000 reward.
Sa tala ng pulisya, ang apat na suspek ay sangkot sa pagpatay kay Atty. Demetrio Hilbero na ama ni Asst. Laguna Prosecutor Allan Hilbero at naging political adviser ni Calamba City Mayor Joaquin Chipeco.
Si Hilberio ay pinagbabaril hanggang sa mapatay sa harap ng kanyang law office sa Gen. Lim St., Calamba City matapos magsimba sa St. John the Baptist Church noong June 16, 2007.
Malaki naman ang paniniwala ni Fiscal Hilbero na pulitika ang motibo sa pagpatay sa kanyang ama.
Ibinunyag din ni Fiscal Hilbero na patuloy silang nakakatanggap ng pagbabanta mula sa kampo ng mga nagalit sa kanyang tatay.
- Latest
- Trending