Agosto 30, regular holiday
MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng Malacanang na regular holiday sa Agosto 30, Martes bilang paggunita sa Eid’l Fitr na nagtatampok sa pagwawakas ng banal na buwan ng Ramadan.
Sa Proclamation No. 234, idineklara ni Pangulong Benigno C. Aquino III ang Agosto 30 bilang holiday para itaguyod ang pangkulturang pagkakaunawaan at pagsasama-sama, dapat magkaroon ng ganap na oportunidad ang buong sambayanang Pilipino na makilahok sa mga kapatid na Muslim sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr.”
Binanggit pa sa proklamasyon na ginugunita ng mga Muslim ang Eid’l Fitr sa katapusan ng Ramadan, isang buwan ng pag-aayuno na itinuturing na pinakadakilang relihiyosong paggunita sa Islam.
Samantala, noong Hulyo, binanggit ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na isa ring holiday ang Agosto 29 na National Heroes Day.
- Latest
- Trending