^

Bansa

Maintenance ng MRT tututukan ng DOTC

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Bunsod ng sunod-sunod na aberya sa sistema ng Metro Rail Transit (MRT) system, tututukan na ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang maintenance ng mga tren nito para sa kapakanan ng taumbayan.

Kaugnay nito, pinulong ni DOTC Sec. Mar Roxas ang lahat ng DOTC engineers na nangangasiwa sa maintenance na magsagawa ng bidding para sa maintenance servi­ces ng mas maaga sa 2012.

Inatasan din nito ang kanyang mga tauhan na gumawa ng mga kundisyon na pagbabasehan sa mga lalahok sa proseo ng bidding bagamat sinabi nito na hindi naman agarang papalitan ang serbisyo ng kasalukuyang humahawak ng maintenance.   

Magtatalaga din ng isang grupo si Roxas upang matamang tumingin at magmonitor sa pagsasaayos ng kundisyon ng mga tren ng MRT.

BUNSOD

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

INATASAN

KAUGNAY

MAGTATALAGA

MAR ROXAS

METRO RAIL TRANSIT

ROXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with