Gabinete nagulat sa pagbibitiw ni Lim
MANILA, Philippines - Inamin kahapon ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na hindi inaasahan ng ilang miyembro ng Gabinete ang ginawang pagbibitiw ni Tourism Secretary Alberto Lim.
Sinabi ni Valte na bagaman at maayos ang atmosphere sa isinagawang Cabinet meeting kamakalawa kung kailan inihayag ang pagbibitiw, halatang nagulat ang maraming miyembro ng Gabinete sa pagbibitiw ng kalihim na mananatili na lamang sa puwesto hanggang Agosto 31.
Samantala, tiniyak naman ng Malacañang na kuwalipikado ang ipapalit ng Pangulo kay Lim at maipapagpatuloy nito ang magagandang programang nasimulan ng nag-resign na kalihim.
Idinagdag pa ni Valte na dapat ay hintayin na lamang kung sino ang ipapalit kay Lim bagaman at lumutang na ang pangalan nina Mon Jimenez na nagsilbing Presidential campaign strategist ni PNoy, TV host Boy Abunda at Ruffy Biazon.
- Latest
- Trending