PDP-Laban nakiisa kay Pimentel

MANILA, Philippines - Nagpahayag kahapon ng pagbati si NBN-ZTE broadband whistleblower at ngayon ay Partido ng Demokratikong Pilipino (PDP-Laban) secretary general Jose “Joey” De Venecia lll sa makasaysayang proklamasyon ni Atty. Aquilino “Koko” Pimentel lll bilang lehitimo at tunay na nanalong senador ng Republika ng Pilipinas.

Ayon kay de Venecia, ipinagmamalaki nila ang presidente ng kanilang partido at aniya’y kumpiyansa ang mga opisyal at miyembro ng PDP-Laban na magagampanan nang mabuti ni Pimentel ang kanyang tungkulin dahil siya ay nagagabayan ng prinsipyo ng partido, pananalig sa Panginoong Diyos, may dignidad, makabayan at may paniniwala sa pagkakaisa tungo sa demokrasya at pagiging pantay-pantay ng mga mamamayan.

“Ang kahalagahan ng kanyang proklamasyon ay sumisimbolo rin ng kanyang determinasyon na mapatunayang may naganap ngang dayaan o electoral fraud noong 2007 elections at dahil dito ay buong tapang niyang ipinaglaban ang karapatan ng mga taong nagtiwala at bumoto sa kanya,” ani de Venecia.

Show comments