^

Bansa

Pondo sa condom, pills ilaan sa gamot vs dengue

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Sa halip na pondohan ang mga condom at pills, dapat na ilaan na lamang ng Department of Health (DOH) ang budget sa pagbili ng mga gamot para sa mga dengue patients.

Ayon kay Marbel Bi­shop Dinualdo Gutierrez-vice chairman CBCP-NASSA, mali ang prayoridad ng DOH sa kanilang pondo dahil inuuna pa ang pagbili ng kasalanan tulad ng condoms at pills.

Aniya, nakakalungkot lamang at ang dagdag na pondo ng DOH ay mapupunta lang sa pagbili ng mga contraceptives na hindi na pangunahing kailangan sa panahon ngayon.

Mas dapat anyang pinagtutuunan ang pa­g­­taas ng bilang ng mga dengue patients at ang kakulangan ng mga kama sa mga pampublikong ospital.

Maging sa mga lalawigan ay marami ng namamatay sa dengue at malnourished na dapat na unahin ng Kagawaran.

Hindi naman umano lahat ay nangangailangan ng contraceptives kum­para sa mga nagkakasakit dulot ng panahon at insekto.

ANIYA

AYON

DAPAT

DEPARTMENT OF HEALTH

DINUALDO GUTIERREZ

KAGAWARAN

MARBEL BI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with