^

Bansa

10 opisyal ng CCP, Mideo Cruz kinasuhan na sa Ombudsman

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Sinampahan na ng kasong kriminal at administratibo ng Kapatiran Political Party-Alliance for the Common Good ang 10 opisyal ng Cultural Center of the Philippines (CCP) kasama ang kontrobersiyal na si Mideo Cruz sa tanggapan ng Ombudsman kaugnay ng ginawang pagpayag ng mga itong makapag-exhi­bit sa artwork na huli na tinaguriang “Kulo”.

Kinasuhan ng naturang grupo sa pangunguna ni Manuel Dayrit ang mga opisyal ng CCP na sina Emily­ Abrera, Raul Sunico, Florangel Rosario-Braid, Jaime Laya, Isabel Caro Wilson, Zenaida Tantoco, Cristina Turalba, Antonio Yap, Carolyn Espiritu, Karen Ocampo-Flores at ang artist na si Cruz.

Malaking insulto umano ang nagawa sa relihiyon ng “Kulo” at dapat managot ang mga ito sa taumbayan.

Binigyang diin din ng grupo na lumabag sa article 201 ng Revised Penal code at RA 6713 ang mga opis­yal ng CCP  dahil sa naturang exhibit na nagpapakita ng paglabag sa batas, sa morale at good customs ng sambayanang Pilipino.

ANTONIO YAP

CAROLYN ESPIRITU

COMMON GOOD

CRISTINA TURALBA

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

FLORANGEL ROSARIO-BRAID

ISABEL CARO WILSON

JAIME LAYA

KAPATIRAN POLITICAL PARTY-ALLIANCE

KAREN OCAMPO-FLORES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with