^

Bansa

Mag-asawang Arroyo nanganganib ang buhay?

Nina - Malou Escudero, Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Kapwa umano nanganganib ang buhay ng mag-asawang Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at Atty. Mike Arroyo na parehong inoobserbahan ngayon ng mga espesyalista sa St. Luke’s Medical Center.

Ayon kay Dr. Juliet Cervantes, isa sa mga doktor ng mga Arroyo, na nabigo sila na ma-“reconstruct” ang “titanium implant” na dapat ay sumusuporta sa cervical spine ni Congw. Arroyo sa operasyon nitong Miyerkules.

Sinabi nito na gising naman ang kanilang pas­yente ngunit kailangan nilang makontrol ang posibleng paglala ng impeksyon sa operasyon sa pamamagitan ng “antibiotics, effective management and prayers”.

Inoobserbahan rin sa naturang pagamutan ang dating unang ginoo makaraang sumama naman umano ang kundisyon nito na may kaugnayan sa kanyang ilang beses na operasyon sa puso.

Nakatakda sanang dumalo sa pagdinig sa kontro­bersyal na “chopper deal” sa Senado si Arroyo ngunit nabigo dahil sa kundisyon na maaaring magresulta sa “sudden death” o agarang pagkamatay.

Sa sertipiko na ipinadala sa Senado, sinabi ng cardiologist ng St. Luke’s na si Dr. Nicholas Cruz na “the presence of another tear or dissection could precipitate rupture or sudden death”. 

Kinumpirma naman ito ni Dr. Mariano Blancia, direktor ng Senate Medical and Dental Bureau at kung siya anya ang tatanu­ngin grabe talaga ang sakit ni Arroyo at posibleng bumuka o maghiwalay ang blood vessels nito sa puso kung sasailalim sa matinding stress.

vuukle comment

ARROYO

DR. JULIET CERVANTES

DR. MARIANO BLANCIA

DR. NICHOLAS CRUZ

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

MEDICAL CENTER

MIKE ARROYO

SENADO

SENATE MEDICAL AND DENTAL BUREAU

ST. LUKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with