^

Bansa

Koko proklamado na!

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Maaari ng tawaging senador at makadalo sa sesyon sa Lunes si Atty. Aquilino “Koko” Pimentel III matapos itong iproklama kahapon bilang nanalong senador noong 2007 senatorial elections ng Senate Electoral Tribunal.

Tumagal ng halos apat na taon ang inihaing election protest ni Pimentel na napabilis lamang ng magbitiw sa kaniyang tungkulin si dating Se­nator Juan Miguel Zubiri matapos lumutang ang ilang testigo gaya nina da­ting election officer Lintang Bedol at dating ARMM governor Zaldy Ampatuan na nagpapatunay na nagkaroon nga ng dayaan.

Sa isinagawang deli­berasyon kahapon ng mga miyembro ng SET sa Hotel Sofitel, mas kinatigan na nila ang protesta ni Pimentel lalo pa’t binawi na ni Zubiri ang kaniyang counter-election protest makaraang magbitiw sa puwesto.

Ito ang kauna-una­hang pagkakataon na may iprinoklamang senador ang SET matapos magbitiw ang isang senador na papalitan sa puwesto.

Si Pimentel ay anak ni dating senator Aquilino “Nene” Pimentel Jr., na nagsilbing senate minority leader bago matapos ang kaniyang termino.

Matatandaan na sina Zubiri at Pimentel ang naghabulan sa pang-12 puwesto sa senatorial elections noong 2007 kung saan nakakuha ang una ng 11,005,866 na boto kontra kay Pimentel na 10,987,347 na boto.

Aabot na lamang sa isang taon at 10 buwang manunungkulan si Pimentel bago ang election sa 2013.

Sa Mati, Davao del Sur manunumpa si Pimentel bilang senador kung saan nakakuha umano siya ng malaking boto.

HOTEL SOFITEL

JUAN MIGUEL ZUBIRI

LINTANG BEDOL

PIMENTEL

PIMENTEL JR.

SA MATI

SENATE ELECTORAL TRIBUNAL

SI PIMENTEL

ZALDY AMPATUAN

ZUBIRI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with