^

Bansa

NCRPO chief dawit sa 'iligal' ni Ebdane

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Inakusahan ni poll fraud whistleblower Police Sr. Supt. Rafael Santiago Jr. si Zambales Gov. Hermo­genes Ebdane Jr. ng paggamit sa kanyang mga “pinagkakatiwalaang tauhan” sa iligal na pagmimina sa nasabing lalawigan at nagmanipula ng resulta ng 2004 elections na pumabor kay dating Pangulong Gloria Arroyo.

Sa text message na ipinadala sa mga mamamahayag, sinabi ni Santiago na batid umano ni National Capital Regional Police Office chief Dir. Alan Purisima ang plano ng kanyang among si Ebdane na guluhin ang halalan noong 2004. Ayon kay Santiago, si Purisima ang pinaka pinagkakatiwalaang tauhan sa Police Anti Crime Emergency Response (Pacer) at National Anti-Kidnapping Task Force (Naktaf).

Aniya, may mga pagkakataong si Ebdane ay mag-oopisina sa tanggapan ng Pacer para sa mga sensitibo at highly classified missions.

Ginagamit din umano ni Ebdane ang kanyang mga dating operatiba sa Naktaf upang sirain siya at iba pang whistle blower.

ALAN PURISIMA

EBDANE

EBDANE JR.

NAKTAF

NATIONAL ANTI-KIDNAPPING TASK FORCE

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

PANGULONG GLORIA ARROYO

POLICE ANTI CRIME EMERGENCY RESPONSE

POLICE SR. SUPT

RAFAEL SANTIAGO JR.

ZAMBALES GOV

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with