^

Bansa

Ospital ginagawang sanglaan

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Maging ang mga ospital ay ginagawa na ring pawnshop o sanglaan ka­pag walang naibabayad ang mga mahihirap na pasyente upang makalabas sa sandaling maga­ling na sila.

Ito ang ibinunyag ni Bayan Muna Rep. Teddy Casino sa ginanap na budget hearing ng Department of Health kung saan ipinakita nito kay DOH Secretary Enrique Ona ang dalawang memo mula sa PHilippine Childrens Medical Center (PCMC) na nakasaad ang isang polisiya na maaring mangolekta ng “collateral” na ibinebenta naman umano sa mga empleyado ng nasabing ospital.

Paliwanag pa ni Casino na nakagawian o practice na umano ng PCMC ang paghingi sa mahihirap na pasyente ng mga personal na gamit na maaring isangla tulad ng mobile phones at relo kapalit nang pagpapalabas sa pasyente.

Nakapaloob sa MCM No. 45 ang kautusan sa paggamit ng collateral base sa RA 9439 habang ang MCM No. 46 ay nagbibigay ng guidelines sa pagbebenta ng natu­rang collateral.

BAYAN MUNA REP

CHILDRENS MEDICAL CENTER

COLLATERAL

DEPARTMENT OF HEALTH

NAKAPALOOB

PALIWANAG

SECRETARY ENRIQUE ONA

TEDDY CASINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with