DENR chief tambak ang kaso sa Ombudsman
MANILA, Philippines - Posibleng dumaan sa butas ng karayom si Department of Environment and Natural Resourcess Secretary Ramon Paje sa Commission on Appointments dahil sa tambak na kasong kinakaharap niya sa Ombudsman. Nakatakdang humarap ngayon si Paje sa CA para sa kumpirmasyon ng kanyang nobramyento bilang Kalihim ng DENR.
Ayon sa investigation report ng Commission on Appointments, may naka-pending na 4 na kaso laban kay Paje na isinampa nina Gloria Estenzo Ramos at Mary Joan Dulhao ng Philippine Earth Justice, Inc., kaugnay sa umano’y paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at ang umano’y pagsuway sa RA 6713 at RA 9485 sa “alleged conduct prejudicial to the best interest of the service, conduct unbecoming and misconduct.”
Ang dalawang nabanggit na kaso ay bunga ng pagtanggi ni Paje na mag-provide o mag-deliver ng kopya sa hiniling na Environmental Compliance Certificate (ECC) na inisyu sa probinsiya ng Cebu para sa pagtatatag ng Coal Ash Waste Disposal facility at ang patuloy na pagtanggi ng akusado na bigyan ng karapatang makakuha ng impormasyon ang nagreklamo sa mga pampublikong isyu.
May dalawa pang kaso ng “alleged usurpation of Authority (Art. 17, Revised Penal Code) and for alleged grave misconduct, insubordination and conduct prejudicial to the best interest of the service” nag isinampa kay Paje.
Inakusahan din si Paje na alaga umano ng nakaraang Arroyo administration. Sa reklamo ni Clemente Bautista ng Kalikasan People’s Network for the Environment, minaniobra umano ni Paje ang pagbebenta at pagsasapribado ng mineral facilities sa Mt. Diwalwal.
Sa investigation report pa ng CA, inakusahan naman ni Zamboanga del Norte Gov. Rolando Yebes si Paje sa pagkunsinti sa bigtime illegal loggers sa Zamboanga del Norte. Nag-isyu pa umano si Paje ng memorandum noong Dec. 23, 2004 upang pagbigyan ang DACON Logging Co. na maitakas ang 2,281.44 cubic meters ng trosong iligal mula Zamboanga del Norte patungo sa Zamboanga City.
Pinangalanan din si Paje na umano’y sangkot sa iligal na pagmimina at pagtotroso sa Aroroy, Masbate at Boston, Davao Oriental.
- Latest
- Trending