^

Bansa

Disbarment vs Mayor Duterte iniharap

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Pormal nang naghain ng disbarment case sa Korte Suprema ang mga opisyal ng Sheriffs Confe­deration of the Philippines (SCHOPHIL) laban kay Davao City Mayor Sarah Duterte kaugnay sa pa­nanakit nito sa isa nilang miyembro na si Sheriff Abe Andres noong Hulyo 1 sa isang demolition procedure.

Iyon ay kaugnay pa rin ng ginawang pananapak ng alkalde kay Sheriff Abe Andres na nagsisilbi lamang ng demolition order sa Barangay Soliman sa Davao City.

Batay sa 5-pahinang complaint affidavit na inihain sa Office of the Bar Confidant, iginiit nina SCHOPHIL Officers Pa­termoscio Labayani, Roberto Galing at Fernando Regino na nilabag ni Duterte na isa ring abogado ang ilang probisyon ng Code of Professional Responsibility.

Partikular umanong nilabag ni Duterte ang Canon 11 at Canon 7 ng nasabing panuntunan na nagsasaad na dapat na igalang ng isang abogado ang mga hukuman at ang mga judicial officer at dapat na itaguyod ng isang abogado ang integridad at dignidad ng legal profession.

Bilang mga sheriff, apek­tado rin umano ang mga opisyal ng SCHOPHIL   sa marahas na pag-atake kay Andres.

Bunsod nito, hinihiling nila sa Korte Suprema na magsagawa ng imbestigasyon at padalhan din ng subpoena ang mga himpilan ng telebisyon para magsumite ng mga kopya ng video footage ng nasabing insidente.

vuukle comment

BARANGAY SOLIMAN

CODE OF PROFESSIONAL RESPONSIBILITY

DAVAO CITY

DAVAO CITY MAYOR SARAH DUTERTE

DUTERTE

FERNANDO REGINO

KORTE SUPREMA

OFFICE OF THE BAR CONFIDANT

SHERIFF ABE ANDRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with