Kabayan patuloy na nakakaapekto sa bansa
MANILA, Philippines - Bagamat wala na sa Pilipinas, patuloy na nakakaapekto sa bansa ang bagyong Kabayan dahil pinag-iibayo nito ang southwest monsoon na nagdadala ng mga pag-uulan sa iba’t ibang panig ng bansa partikular sa Metro Manila.
Bunsod nito, pinayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-ingat sa posibleng flashfloods at landslides sa mga lugar sa Luzon laluna sa Mindoro.
Sinabi ni PAGASA forecaster Joel Jesusa, asahan na ang maulap na kalangitan sa Kalakhang Maynila na may pag-ulan-pagkulog at pagkidlat.
“Dahil sa impluwensya ng southwest monsoon, may mga pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon na maaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa,” dagdag ni Jesusa.
- Latest
- Trending