MANILA, Philippines - Pinahihigpitan ni Justice Secretary Leila de Lima ang pagsala ng mga magiging security escort ng mga opisyal ng DOJ kasunod ng pagkaka-aresto sa kasong human trafficking sa Zamboanga City ng isa sa mga security escort ni Justice Undersecretary Jose Vicente Salazar, ang pinuno ng Inter Agency Council Against Trafficking in Persons o IACAT.
Nilinaw ng kalihim na kung mabagsik ang pamahalaan sa mga sindikato ng human trafficking na nambibiktima ng mga inosenteng indibidwal, mas magiging malupit ang kagawaran sa mga tauhan na gumagawa ng ilegal na aktibidad.
Nabatid na nagpanggap ang suspect na siya ay nasa undercover mission para mapasok ang sindikato nang maaresto dahil sa pagdadala ng 17 kababaihan mula Bicol patungong Zamboanga.
Pinakakasuhan na ni de Lima ang hindi tinukoy na security escort na isang dating sundalo. Tinanggal na rin ang mga security escort nina nina Salazar at Justice Usec. Francisco Baraan.