May vaccine na vs dengue

MANILA, Philippines - Mayroon ng pangontra ang Department of Health (DOH) laban sa nakamamatay na sakit na dengue.

Ayon kay Dr. Eric Tayag, executive director ng National Epidemiology Center ng DOH, nasa bansa na ang vaccine formulation laban sa naturang sakit.

Sa katunayan aniya ay sinasailalim na ang vaccine sa trial stage.

Sinabi rin ni Dr. Tayag na sa 2014 ay  magagamit na ng bansa ang bakuna na may kakayanang magbigay ng proteksiyon sa isang tao laban sa apat na strains ng dengue virus. Sa ngayon ay bumaba na sa dalawampu’t limang porsiyento ang kaso ng dengue at limampung porsiyento naman sa mga namamatay ang bumaba.

Show comments