^

Bansa

Magulang, guro na mananakit sa menor de edad, 12 yrs. kulong

- NIla Gemma Garcia at Butch Quejada -

MANILA, Philippines - Maaring makulong ng hanggang 12 taon ang mga magulang, guro, guardians at maging yaya na mananakit ng pisikal o psychological sa mga menor de edad.

Ito’y matapos na pumasa sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Kamara ang House Bill 4455 o “The Positive and Non-Violent Discipline on Children Act”  na iniakda ni Bagong Hene­rasyon partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy.

Ayon kay Herrera-Dy na siya ring vice chairman  ng House committee on welfare of children, base sa pag-aaral ng mga lokal at dayuhang dalubhasa, ang “corporal punishment” ay hindi mahusay na sandata para madisiplina ang mga kabataan dahil nagdudulot lamang ito ng pagkagalit at pagbaba ng self-esteem ng mga ito.

Sakaling mapatuna­yang malupit sa mga anak ang isang magulang ay mahaharap sa kasong Child Abuse na nasasaad sa Republic Act No. 7610 o may katumbas na pagkakakulong ng hanggang 12-taon.

Bukod sa mga magulang, guardians at guro ay sakop din ng nasabing panukala ang mga yaya, at kamag-anak.

Ilan sa ipagbabawal ng nasabing panukalang batas ang panununtok, paninipa, pananampal, pangungurot, pagpingot o pagputol sa buhok, pananakit gamit ang kamay at sinturon gayundin ang pagpapaluhod sa asin o bato at pag-squat na madalas mangyari sa ilang eskuwelahan.  

AYON

BAGONG HENE

BERNADETTE HERRERA-DY

BUKOD

CHILD ABUSE

CHILDREN ACT

HOUSE BILL

POSITIVE AND NON-VIOLENT DISCIPLINE

REPUBLIC ACT NO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with