^

Bansa

Room 512 sa Senado, malas?

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Sa gitna ng ginawang pagbibitiw sa puwesto ni Senator Juan Miguel Zubiri may mga bulungan na “malas” talaga ang Room 512 na opisina ng senador na nasa 5th floor ng Senate Building.

Ayon sa isang staff ni Zubiri na tumangging magpabanggit ng pangalan, dating kuwarto ni Senator Miriam Defensor-Santiago ang Rm. 512 nang tumakbo itong presidente ng bansa pero natalo kay dating pangulong Fidel Ramos. Sa ngayon ay nasa Room 521 na ng Senado si Santiago.

Naging dating opisina rin umano ang Rm. 512 ni dating senator Rober Jaworski na hindi na pinalad na makabalik sa Senado at isang termino lamang nagsilbi bilang senador.  

Maging si dating senator Mar Roxas ay namalagi rin sa Rm. 512 sa huling termino niya bilang senador bago ito tumakbong vice president ng bansa at natalo kay Vice Pres. Jejomar Binay sa eleksiyon no­ong nakaraang taon.

Kapansin-pansin rin na taging ang Rm. 512 lamang sa mga silid sa Senado ang may kakaibang pinto na hindi nakapantay sa dingding.

Ayon sa staff ni Zubiri, pinabago ito ng senador matapos ipa-feng shui pero mukhang hindi rin epektibo matapos mapiliting magbitiw ang senador.

Hindi pa naman tiyak kung sa nasabing silid din mag-oopisina si Atty. Aquilino “Koko” Pimentel sa sandaling maideklara na ito ng Senate Electoral Tribunal.

AYON

FIDEL RAMOS

JEJOMAR BINAY

MAR ROXAS

ROBER JAWORSKI

SENADO

SENATE BUILDING

SENATE ELECTORAL TRIBUNAL

SENATOR JUAN MIGUEL ZUBIRI

SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

VICE PRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with