^

Bansa

Valenzuela, DepEd lumagda sa counterparting program

-

MANILA, Philippines - Lumagda kahapon sa isang kasunduan na magla­lagak ng kabuuang P103,834,392.38 para sa kons­truksyon ng 68 na silid-aralan sa Valenzuela City sina Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian at Department of Education Secretary Armin Luistro.

Sa ilalim ng MOA, ang financing agreement ay magiging  50-50 counterparting scheme kung saan ang inisyal na 50% ng building cost ay manggagaling sa Local Government Unit (LGU) habang ang natitirang 50% ay tutustusan ng DepEd Schools Division Superintendent.

Ang nilagdaang kasunduan ay may kaugnayan sa pagbuo ng 3-palapag, 18-silid-aralan na gusali sa Pio Valenzuela Elementary School at 4-storey, 50-classroom building sa Dalandanan National High School kung saan ang magiging parte ng lungsod ay 53,834,392.38 o sakop ng 34 classrooms.

Sa datos ng DepEd, may kakapusan sa silid-aralan sa Valenzuela na umaabot  sa 1,084  para sa school yer 2010-2011.

Ang 68 classroom na itatayo sa pamamagitan ng counterparting program kasama ang 53 classrooms  na nasa ilalim naman ng 2011 Basic Education Facilities Fund ng DepEd ay makapagpapababa ng 11.16%, o katumbas na lamang ng 963 classrooms shortage.

Ang Counterparting Program ay nilagdaan ng DepEd, Department of Budget and Management (DBM) at League of Cities of the Philippines (LCP) noong Enero 8, 2011 para masiguro ang pagkakaroon ng sapat na silid-aralan sa mga batang Pilipinong mag-aaral sa buong bansa.

ANG COUNTERPARTING PROGRAM

BASIC EDUCATION FACILITIES FUND

DALANDANAN NATIONAL HIGH SCHOOL

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

DEPARTMENT OF EDUCATION SECRETARY ARMIN LUISTRO

LEAGUE OF CITIES OF THE PHILIPPINES

LOCAL GOVERNMENT UNIT

PIO VALENZUELA ELEMENTARY SCHOOL

SCHOOLS DIVISION SUPERINTENDENT

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with