P2 bilyon pinsala ni Juaning
MANILA, Philippines - Pumalo na sa mahigit P2 bilyon ang iniwang pinsala sa imprastraktura at agrikultura ng nagdaang bagyong Juaning sa 10 rehiyon.
Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), P1,557,555,849.66 bilyon ang winasak ni Juaning sa imprastraktura habang mahigit sa P627,256,967.79 M naman sa agrikultura ang sinira ng bagyo o kabuuang P2.185 bilyong halaga.
Patuloy ding tumataas ang mga naitatalang winasak na tahanan ni Juaning na ngayo’y nasa 16,974 na ang bilang.
Samantalang mula sa 66 death toll, ay nasa 67 na ang kabuuang nasawi matapos marekober ang bangkay ng isang Reggie Alunday, 18, ng Apayao na namatay sa pagkalunod.
Ang Bicol Region ang nakapagtala ng karamihan ng nasawi na nasa 49 katao.
- Latest
- Trending