MANILA, Philippines - Pormal na humarap para sa isang kasunduan ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at tatlong major bus companies kahapon kaugnay sa isang high-level na pagsasanay at pagbibigay ng sertipikasyon sa mga tsuper ng bus.
Ang kauna-unahang TESDA-private sector partnership ay naglalayong itaas ang antas ng kakayahan ng mga tsuper ng bus, ayon sa TESDA.
Umaasa si TESDA Director General Joel Villanueva na ang kasunduan ng TESDA at tatlong bus company na kinabibilangan ng Genesis Transport, Saulog Transit at Dagupan Bus Company ay magbibigay-daan sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga tsuper ng public utility vehicles partikular na ang bus sa “formal at institutionalized basis “ bukod pa sa public-private partnership.
Sa ilalim ng kasunduan na ipatutupad sa susunod na buwan, pangangasiwaan ng TESDA ang pagsasanay na mag-aarmas sa mga bus drivers trainees ng Driving National Certificate Level III, o NC III skills o ang mahusay at masugid na pagsasanay sa mga public utility vehicle drivers.
“ It is the sincere desire of the Genesis Group to break ground on skills upgrading. We really want our drivers to be trained along world-class driving skills. For the general riding public, this would mean thoroughly-trained drivers with national certifications. For us at the Genesis Group, we really want to enhance and give value-added to our public utility franchise,” pahayag ni Rely Jalbuna, operations managers ng Genesis Group.