^

Bansa

TESDA, bus companies pumasok sa high level na training ng mga tsuper

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Pormal na humarap para sa isang kasunduan ang Technical Education and Skills Development  Authority (TESDA)  at tatlong major bus companies kahapon kaugnay sa isang high-level na pagsasanay at pagbibigay ng sertipikasyon sa mga tsuper ng bus.

Ang kauna-unahang TESDA-private sector partnership ay naglala­yong itaas ang antas ng kakayahan ng mga tsuper ng bus, ayon sa TESDA.

Umaasa si TESDA Director General Joel Villanueva na ang kasunduan ng TESDA at tatlong bus company na kinabibilangan ng Ge­nesis Transport, Saulog Transit at Dagupan Bus Company ay magbibigay-daan sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga tsuper ng public utility vehicles partikular na ang bus sa “formal at institutiona­lized basis “  bukod pa sa public-private partnership.

Sa ilalim ng kasunduan na ipatutupad sa susunod na buwan, pa­ngangasiwaan ng TESDA ang pagsasanay na mag-aarmas sa mga bus drivers trainees ng Driving National Certificate  Level III, o NC III skills o ang mahusay at masugid na pagsasanay sa mga public utility vehicle drivers.

“ It is the sincere desire of the Genesis Group to break ground on skills upgrading. We really want our drivers to be trained along world-class driving skills. For the general  riding public, this would mean thoroughly-trained drivers with national certifications. For us at the Genesis Group, we really want to enhance  and give value-added to our public utility franchise,” pahayag ni Rely Jalbuna, operations managers ng Genesis Group.

BUS

DAGUPAN BUS COMPANY

DIRECTOR GENERAL JOEL VILLANUEVA

DRIVING NATIONAL CERTIFICATE

GENESIS GROUP

PORMAL

RELY JALBUNA

SAULOG TRANSIT

TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS DEVELOPMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with