^

Bansa

Ari ng police trainees nilagyan ng sili sa hazing

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Walong miyembro ng elite forces ng Philippine National Police (PNP) ang nahaharap ngayon sa kasong kriminal at admi­nistratibo matapos lagyan ng mga ito ng sili ang mga ari at puwet ng mga police recruits sa naganap na hazing sa labas ng Camp Eldridge, Laguna noong nakaraang taon.

Ito’y matapos na isapubliko ng Commission on Human Rights (CHR) ang nakalap na video ng mga miyembro ng Regional Public Safety Battalion (RPSB) habang kinukus­kusan ng siling labuyo ang mga ari ng mga police recruits.

Ang mga police trai­nees ay humihiyaw sa ma­tinding sakit habang ang iba pa sa mga ito ay pinalunok rin ng isang dakot ng sili bawat isa at pinaiinom ng tig-isang lagok sa isang basong tubig.

Napanood rin sa video ang mga recruits habang hubo’t hubad na nakapi­ring na kinukuskusan ng sili sa mga ari at puwet gamit ang isang mahabang stick habang pinagtatawanan ng RPSB members.

Bilang reaksyon, kinondena naman ng PNP ang insidente sa pagsasabing hindi nila kinukunsinti ang hazing sa hanay ng police trainees.

Kinilala ni PNP Spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz ang mga pulis na sabit sa hazing na isasalang sa kasong administratibo at kriminal na sina Police Officers 1 Roque Oro, Evan Mark Cuartero, Jhun Plonelo, Melvin Malihan, Rovylyn Addatu, Marfe Adler, Allan Pascue at Troy Sumayod na pawang sinibak na sa puwesto noong Agosto 1 matapos sumingaw ang nasabing kontrobersyal na hazing.

AGRIMERO CRUZ

ALLAN PASCUE

CAMP ELDRIDGE

EVAN MARK CUARTERO

HUMAN RIGHTS

JHUN PLONELO

MARFE ADLER

MELVIN MALIHAN

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with