Buwan ng Wika nagsimula na
MANILA, Philippines - Nagsimula na ang pagdiriwang ng buwan ng Wikang Filipino kahapon at magtatapos hanggang sa Agosto 31, ayon kay Komisyon ng Wikang Filipino Chairman Jose Laderasa Santos.
Sinabi ni Santos na ang tema ng pagdiriwang sa taong ito ay “Ang Filipino ay wikang panlahat, ilaw at lakas ng tuwid na landas’.
Ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 2041, serye ng 1997 ay nagdeklara ng buong buwang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa at iba pang wika sa Pilipinas tuwing Agosto 1 hanggang 31 taon-taon.
Ang pagdiriwang ay nagpupugay hindi lamang sa dating Pangulong Manuel Luis Quezon na tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa kundi pati na rin sa lahat ng wika sa buong kapuluan.
Ang kahalagahan ng Filipino bilang Pambansang Wika ay pinakamabuting naipamamalas ng Pangulong Benigno S. Aquino III sa pamamagitan ng paggamit nito sa halos lahat ng kanyang mahahalagang pananalita upang tunay na maipabatid ang kanyang mensahe sa kanyang mga boss, ang sambayanang Pilipino.
- Latest
- Trending