^

Bansa

Whistleblowers sa 2004 poll fraud, pinalalantad ni Lim

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Umapela kahapon sa publiko si Manila Mayor Alfredo Lim sa mga may nalalaman sa naganap na dayaan sa 2004 elections na lumantad at isiwalat ang nalalaman para matuldukan ang isyu ng dayaan.

Inihayag ito ni Lim sa mismong programang isinagawa sa monumento ni dating Pa­ngulong Corazon C. Aquino, kahapon, sa Ninoy-Cory Aquino Park sa Ermita, Maynila sa paggunita ng ika-2 taong kamatayan ng ina ni Pangulong Noynoy Aquino.

Anang alkalde, mahalaga na magkaroon ng closure ang isyu upang hindi na maulit pa sa susunod na mga halalan.

Kabilang sa dumalo ang daang estudyante ng lungsod, mga opisyal ng Manila City Hall, Representatives Naida Angping at Atong Asilo, ilang EDSA personalities tulad nina ret. Gen. Jose Angel Honrado, ang kasalukuyang general manager ng Manila International Airport Autho­rity (MIAA), Senate President Franklin Drilon, dating, Senator Aquilino Pimentel, National Historical Commission chairman Ludovico Badoy, Cris Carreon at Metropolitan Manila Development Authority chairman Francis Tolentino at Defense Secretary Voltaire Gazmin.

ATONG ASILO

CORAZON C

CRIS CARREON

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

FRANCIS TOLENTINO

JOSE ANGEL HONRADO

LUDOVICO BADOY

MANILA CITY HALL

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHO

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with