Genuino umapela vs HDO
MANILA, Philippines - Dumulog kahapon sa Department of Justice DOJ si dating Philippine Amusements and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman Ephraim Genuino para hilinging alisin ang hold departure order laban sa kanya at sa kanyang dalawang anak.
Iginiit ng kampo ni Genuino na isang lantarang diskriminasyon laban sa kanya at sa kanyang mga anak na sina Erwin at Sheryll ang ipinalabas na HDO dahil wala naman iyong batayan.
Ayon kay Attorney Ramon Esguerra, abugado ng mga Genuino, labag ang HDO sa karapatan ng kanyang mga kliyente para sa patas na proteksyon na itinatakda ng konstitusyon.
Kasabay nito, kinuwestiyon din ni Esguerra ang paraan kung paano ipinalabas ang HDO dahil iyon ay inisyu sa mismong araw na isinumite ng kasalukuyang nangangasiwa sa PAGCOR ang kanilang aplikasyon para sa pagpapalabas nito.
- Latest
- Trending