HIV/AIDS sa imbak na dugo itinanggi ng DOH
MANILA, Philippines - Pinabulaanan ng Department of Health (DOH) ang naglalabasang ulat na nasa 27 porsyento ng nakaimbak na dugo sa mga blood bank sa bansa ay kontaminado ng Human Immunodeficiency Virus- Acquired Immune Deficiency Syndrome (HIV-AIDS).
Sinabi ni Dr. Annie Detangco, head ng DOH-AIDS Research Group, na hindi nila pinapayagang makalusot sa masusing pagsusuri ang mga donasyong dugo kung ito ay kontaminado ng anumang sakit particular ng HIV-AIDS, bago pa ito makarating sa mga ospital.
Sa mga blood banks pa lamang ay kanila na itong sinusuri bago pa maihalo sa nakaimbak na dadalhin sa mga pagamutan.
- Latest
- Trending