Garci nasa watch list
MANILA, Philippines - Ipinalabas kahapon ng Department of Justice ang isang watch list order laban kay dating Commission on Elections Commissioner Virgilio Garcillano.
Sinabi ni DOJ Secretary Leila de Lima na isinagawa nila ang naturang hakbang bilang paghahanda sa imbestigasyon ng DOJ at ng Commission on Elections sa umano’y dayaan sa halalan noong 2004.
Mangangahulugan ito na hindi makakaalis ng bansa si Garcillano kung walang permiso ng pamahalaan. Maaari ring tanggihan ng pamahalaan ang kanyang pagbibiyahe kahit pa pinangatwiranan niya ang pangangailangan dito.
Ipinahiwatig din ni de Lima na usapin ng pambansang interes ang isyu sa dayaan sa halalan noong 2004 kaya dapat ipalabas ang WLO.
Nasangkot si Garcillano sa “Hello Garci” scandal na hinggil sa nairekord na pag-uusap nila sa telepono ni dating Pangulong Gloria Arroyo.
- Latest
- Trending