Budget hearing binoykot ng solons
MANILA, Philippines - Binoykot ng mga miyembro ng Minorya sa Kamara ang budget hearing kahapon bilang protesta sa umano’y diskriminasyonn sa hindi pag re-release ng kanilnag Priority Development Assistance Fund (PDAF).
Ipinaliwanag ni Minority leader at Albay Rep. Edcel Lagman na, sa simula pa lamang ay idineklara nang constitutional ng Korte Suprema ang PDAF o Countrywide Development Fund (CDF) na tinawag din nitong “great equalizer” dahil sa bawat distrito ay nakakatanggap ng magkakatulad na halaga kahit pa ano ang kinaaanibang political affiliation ng kasalukuyang administrasyon.
Iginiit pa ng Kongresista na ang PDAF ay para sa kanilang mga constitutuents at hindi para sa mga mambabatas.
Idinagdag pa ni Lagman na sa may 34 miyembro ng minorya, 14 ang hindi pa nakakatanggap ng PDAF sa kanilang mga distrito, 18 ang hindi pa kumpletong naibibigay at dalawa lamang ang nakakuha pa ng full allocation sa kanilang distrito para sa unang kalahating taon ng 2011.
Binatikos din ng mambabatas ang uman’oy hindi patas na pagtrato sa mga miyembro ng minorya at tinawag nitong divide and rule strategy na nagtatangkang wasakin ang hanay ng oposisyon.
Dahil dito kayat wala na rin umanong saysay na lumahok ang mga miyembro ng minorya sa budget briefings at hearings dahil sa sandaling mapagtibay ang General Appropriations Act, ang alokasyon ay itatago at pipigilin.
- Latest
- Trending