Debate sa RH bill simula na
MANILA, Philippines - Sisimulan na ng Senado ang plenary debate ukol sa kontrobersyal na Reproductive Health (RH) bill.
Sinabi ni Sen. Pia Cayetano, principal author ng The Reproductive Health Act of 2011, ngayon inaasahang masimulan ang debate sa RH bill kung saan ay tatayo si Sen. Miriam Defensor-Santiago para sa sponsorship nito sa floor.
Ayon kay Cayetano, inaasahan niya ang matindi at matalinong pagdedebate sa Senate version ng RH bill na mahigpit na kinokontra ng Simbahang Katoliko, gayunman ipapaliwanag nila ang kahalagahan nito at kabutihan para sa kababaihan at sa pamilyang Filipino.
“In answering the interpellations, I will focus on socioeconomics, which covers such topics as maternal and child health, family planning concerns, statistics and other social issues, while Sen. Defensor-Santiago has offered to discuss issues on Catholic theology and constitutional and international law,” giit pa ng lady senator.
- Latest
- Trending