^

Bansa

Rehistro ng 'totally-wrecked' vehicles binibili ng sindikato

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara upang mapigil ang talamak na operasyon ng mga carnapping syndicates na bumibili sa insurance companies ng mga rehistro ng sira-sirang sasakyan na sangkot sa aksidente.

Sinabi ni Southern Leyte Rep. Roger Mercado, chairman ng House Committee on Transportation na panahon na upang pigilan ang operasyon ng ilang insurance company at carnapping syndicates.

Giit ng mambabatas, pinagkakakitaan ng ma­laking halaga ng pera ang ilang tiwaling insurance groups ang mga sasakyang nasangkot sa aksidente sa lansangan sa pamamagitan umano ng pagbebenta ng rehistro sa mga sindikato ng carnapping.

Base sa House Bill 4926, nais nitong ipa­kansela ang registration ng isang sasakyang “totally wrecked“ na sakop ng insurance policy dahil natutunan na umano ng mga sindikato ng carnapping ang naturang sistema upang maitago at legal na mairehistro ang mga carnap na sasakyan.

“This scheme is giving the authorities a hard time apprehending stolen vehicles due to the fact that the legitimate registration of totally wrecked cars covers up the spu­rious registration of stolen vehicles,” ayon pa kay Mercado.

Sakaling maging batas ay mahaharap ang sinumang insurance company na magrerehistro ng sasakyang carnap mula sa rehistro ng naaksidenteng sasakyan ng mul­tang aabot sa P200,000.

GIIT

HOUSE BILL

HOUSE COMMITTEE

ISANG

KAMARA

MERCADO

ROGER MERCADO

SAKALING

SOUTHERN LEYTE REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with