^

Bansa

Weather equipment ipamamahagi sa LGUs

-

MANILA, Philippines - Aabot 1,000 yunit ng makabagong weather equipment ang ipamamahagi sa mga lokal na pamahalaan na magagamit sa paglaban sa mga kalamidad. 

Ito ang ipinangako ng Meteomedia Group sa League of Provinces of the Philippines (LPP) bilang bahagi ng kanilang corporate social responsibility program.

Ang nasabing mga weather equipment na mula sa Switzerland ay may kakayahang sukatin ang volume ng ulan at bilis ng hangin. 

Higit sa lahat, makatutulong ang mga weather equipment sa pagbibi­gay ng mas akmang local weather update kahit sa mga liblib na bayan.

Mismong mga Swiss weather forecasting expert ang nagpaliwanag sa ilang gobernador kung paano pinapatakbo ang weather equipment at kung saan ito maaaring ilagay para makatulong sa mga probinsya, munisipyo at barangay sa panahon ng kalamidad tulad ng bagyo at landslide.

Ilan sa mga gobernador na dumalo sa briefing ng weather equipment na ginawa sa Salo Restaurant sa Makati City ay sina L-Ray Villafuerte (Camarines Sur); Damian Mercado (Southern Leyte); Carlos Jericho Petilla (Leyte); Luis “Chavit” Singson (Ilocos Sur); Rolando Yebes (Zamboanga del Norte); Adolf Edward Plaza (Agusan del Sur); Joseph Cua (Catanduanes); Douglas Cagas (Davao del Sur); at si Rodolfo del Rosario (Davao del Norte).

ADOLF EDWARD PLAZA

CAMARINES SUR

CARLOS JERICHO PETILLA

DAMIAN MERCADO

DAVAO

DOUGLAS CAGAS

ILOCOS SUR

JOSEPH CUA

L-RAY VILLAFUERTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with