^

Bansa

'Kabayan' napanatili ang lakas

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Napanatili ng bagyong Kabayan ang lakas nito pero wala naman itong direktahang epekto sa Pilipinas.

Ayon sa PAGASA, ganap na alas-10 ng umaga kahapon, namataan ang bagyo sa layong 810 kilometro sa silangan hilagang silangan ng Catarman, Northern Samar.

Taglay ni Kabayan ang lakas ng hangin na umaabot sa 85 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 100 kilometro bawat oras.

Ang naturang bagyo ay kumikilos sa direksyon ng hilagang kanluran papunta sa direksiyon ng timog ng Japan sa bilis na 15 kilometro bawat oras.

Samantala, makakaranas pa rin ng maulap na kalangitan ang iba’t ibang bahagi ng bansa dahil sa epekto ng hanging habagat na siyang dahilan ng mga pabugso-bugsong pag-uulan.

vuukle comment

AYON

CATARMAN

KABAYAN

KILOMETRO

NAPANATILI

NORTHERN SAMAR

PILIPINAS

SAMANTALA

TAGLAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with