Papasukin ang mga bata ngayong weekends - DepEd
MANILA, Philippines - Bunsod ng dalawang araw na pagkakasuspinde ng klase sa mga lugar na apektado ng nagdaan na bagyong Juaning kaya hinimok kahapon ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) ang mga local school officials at principals na magsagawa ng make-up class tuwing weekends o araw ng Sabado.
Ayon kay Education Undersecretary Alberto Muyot, dapat umanong mapunan ang mga oras na nawala sa mga estudyante partikular ang mga nasa kindergarten, elementary at high school sa National Capital Region (NCR), Southern Tagalog, Bicol Region at Central Luzon.
Ang nasabing panuntunan ayon kay Muyot ay una rin ipinatutupad ng DepEd noong mga nakalipas na mga taon upang makumpleto ang itinatakdang araw ng pasukan ng mga bata sa paaralan.
Base sa school calendar year, ang mga estudyante sa pampublikong paaralan sa elementarya at high school ay may kabuuang 204 school days, kabilang dito ang 180 days para sa academic activities at 24 na araw para sa extra-curricular activities.
- Latest
- Trending